Tiwala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mapakikinabangan ng bansa ang isinusulong na Maharlika Wealth fund (MWF).
Ipinaliwanag ni Marcos, makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa ang MWF kaya niya ito ipinanukala.
Malinaw na makikinabang ang bansa ng dagdag na investments at isa na ito sa mga paraan.
Sa ngayon aniya, ginagawa na ng mga mambabatas ang regular na proseso sa panukala kasama na ang mga pag-aaral.
Mas mabuti rin aniya na ginagawa na ng mga mambabatas ang kanilang trabaho upang maganda ang kalalabasan ng panukala,
Nanawagan din ito sa publiko na itigil na muna ang mga debate hangga't hindi naisasapinal ng Kongreso ang MWF.