Tila may maanghang na pahayag si Arnold Clavio sa mga umano'y nagbabalat-kayo sa gobyerno. 

Sa isang Instagram post nitong Linggo, Disyembre 11, nag-upload ang batikang mamamahayag ng isang video na nagpapakita kung paano "inuubusan" ng gobyerno ang mga mamamayan. 

"Hindi maiintindihan ng taong buwakaw ang mensahe ng videong ito. Mga nagbabalatkayo sa serbisyo publiko. Mga nakamaskara para sa interes daw ng mamamayang pilipino," sey ni Clavio sa caption ng post.

"Kay daling lustayin ang perang hindi mo naman kasi pinaghirapan. Sa nakararami, ang pera, hanggang sa huling sentimo ay nagsisilbing ugat na daluyan ng dugo para mabuhay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Ang mga lintang walang kabusugan na magreresulta sa pagkatuyot ng mamamayan ang dapat manmanan, iwasan, gisingin, punahin at papanagutin ng bayan," pasaring pa nito.

"Ang mga pangakong iangat ang buhay ng mga dukha ang paboritong mensahe ng mga tao na wala talagang plano," pagpapatuloy nito.

"Mahusay na laruin ang tainga ng mga mahihirap at iparinig ang pagdating ng paraiso. At sa huli, impyerno pala ang pupuntahan.

"Ang tanong, kumusta naman ang buhay nila? Nag-aalala ba bukas ? May pangamba ba sa susunod na linggo? Umaasa ba sa wala? Madaling ipangako ang langit. Pero madaling papaniwalain na ito ay maaabot at bahala na kung imposible talaga.

"Ang mahirap, ay paglaruan ang damdamin ng mga mahihirap. Bulag na naniniwala ng magandang bukas. Manhid na sa mga matatamis na dila at hanggang doon na lang.

"Nasa ating mga kamay at isipan na maiahon ang mga sarili mula sa pagkasadlak . Habulin ang mga pangarap. Hindi dapat tumigil mangarap habang tagaktak ang pawis at banat ang mga buto.

"Hindi habambuhay ang kausap nila ay tanga! Walang Personalan." pagtatapos niya. 

Kamakailan lamang ay may pahayag din ang mamamahayag hinggil sa Maharlika Fund.

“Sa ilang araw ng pakikinig ko sa mga diskusyunan o kaliwat kanang panayam, natatabunan ng kredibilidad ng mga personalidad na nasasangkot ang magandang intensyon ng MWF,” saad ng GMA reporter.

“Dahil ang mga pinuno ng mga lalahok na MAHARLIKA ay pawang mga presidential appointees at never na makikipag-debate sa mga eksperto,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin din niya na hindi maipagkakailang baon sa utang ang Pilipinas.

“Hindi rin maipagkakaila na ang Pilipinas ay baon sa utang , international at domestic, para isugal pa ang natirirang pondo ng mga government , sa Maharlika funds.Walang personalan.”

Basahin ang buong ulat:https://balita.net.ph/2022/12/08/walang-personalan-arnold-clavio-may-reaksyon-hinggil-sa-maharlika-fund/