Matapos ang biglaan at nakagugulat na pagpanaw ni "Pilipinas Got Talent" Season 1 Grand Winner Jovit Baldivino dahil umano sa brain aneurysm, ipinaliwanag ng doctor-social media influencer at dating kumandidato sa pagkapangalawang pangulo na si Doc Willie Ong ang tungkol sa kinatatakutang sakit na ito.

"Marami po ang nagtatanong at natatakot bakit sa batang edad, may brain aneurysm," saad ni Doc Willie sa kaniyang Facebook Live.

"Sino ang mga prone magkaroon ng aneurysm? Normally sa may mas edad ito eh. Dapat above 40. Minsan kahit na mas bata, puwede ring magka-aneurysm kasi namamana 'to."

"Paano natin malalaman na headache na aneurysm ito. Kailangan may lahi kayo. highblood na highblood. O feeling n'yo kakaiba yung headache, sobrang sakit."

Ipinaliwanag ni Doc Willie kung ano-ano ang mga sintomas at sanhi ng brain aneurysm na kumitil sa buhay ng marami. Payo ng doktor, magpa-check up na kaagad sa espesyalista kapag nakaranas ng di-maipaliwanag na sakit ng ulo, neck pain, pagkahilo, at pagkahimatay.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Alamin din umano kung may lahi ng brain aneurysm sa pamilya upang agad na maagapan.

Kung hindi naman alam, ipinapayo ni Doc Willie na hangga't maaari ay iwasan ang pagiging stress, 'wag masyado mape-pressure, iwasan ang masyadong pag-inom ng mga inuming nakalalasing, paghitit ng sigarilyo, paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at pag-iwas sa makolesterol na pagkain.

Makatutulong din umano ang healthy lifestyle gaya ng pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansiyang pagkain o balanced diet, at wastong haba ng pagtulog.