Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng bagong acting administrator ng National Irrigation Administration (NIA) kapalit ng sinuspinding si Benny Antiporda.

Sa appointment letter na may petsang Disyembre 9, 2022, binanggit si dating Piddig, Ilocos Norte Mayor Eduardo Guillen bilang susunod na hahawak sa NIA.

Nitong Lunes, Disyembre 12, nanumpa na rin sa kanyang tungkulin si Guillen.

Itinalaga rin siya bilang miyembro ng Board of Directors ng NIA.

Pinalitan nito si Antiporda na nauna nang sinuspindi ng Office of the Ombudsman dahil sa reklamong grave misconduct.

Betheena Unite