Usap-usapan sa social media ang latest performance ni Anne Curtis kasama ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa programang “ASAP Natin ‘To,” Linggo, Disyembre 11, 2022.

https://twitter.com/altstarmagic/status/1601821373923401730?s=46&t=0Mh1X0BkJybhlZO53ELuKg

Enrique Razon, nanguna! Pinakamayayamang Pinoy ngayong 2026, inilabas ng Forbes

Binigyan ng sariling bersiyon ng dalawa ang classic OPM Christmas song na “Christmas Bonus” ng bandang Aegis na siyang kinagiliwan ng mga taga-subaybay ng ASAP.

Agad namang napansin ng netizens ang improvement ni Anne sa pagkanta matapos nitong makipag-sabayan sa Asia’s Songbird at maabot ang mga matataas na nota at gumawa ng adlibs sa awitin.

Sa kanyang tweets, nagpasalamat si Anne sa mga nagustuhan at napansin kanyang improvement sa pagkanta, inamin nitong naghanda siya para sa duet nila ni Regine dahil ayaw niyang mapahiya.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1601949965785640961

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1602109342341562368

Ang performance ng dalawa ay bahagi ng paglunsad ng Lazada ng kanilang 12.12 sale. Matatandaang inanunsyo ng online shopping application ang pagpili nito kay Anne Curtis bilang brand ambassador noong Oktubre.