Nasa 8,292 pang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) kamakailan.

Sa datos ng DOH, ang nasabing mga kaso ay naitala mula Disyembre 5-11.

Sa National COVID-19 case bulletin ng ahensya, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 1,185.

Mas mataas anila ito ng pitong porsyento kumpara sa mga kaso noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4. 

Nadagdagan naman ng 156 ang nasawi sa sakit. Panawagan ng DOH sa publiko, huwag munang maging kampante, magsuot pa rin ng face mask upang maiwasan ang sakit.