Patay ang isang lalaki matapos mahulog umano mula sa ikaapat na palapag sa isang mall sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, Disyembre 11.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), bigla na lamang nahulog ang lalaki sa activity area sa lower ground floor ng Farmers Plaza, Araneta City dakong 6:05 ng gabi.

Dagdag pa, rumesponde ang isang security guard matapos itong hingan ng tulong ng isang saleslady na nakasaksi sa insidente.

Dinala ang lalaki sa World City Medical Center ngunit ito ay idineklarang dead on arrival dakong 7:19 ng gabi.

Metro

Nakolektang mga basura sa sementeryo sa Maynila, mas mababa ngayong taon

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring insidente. 

Aaron Dioquino