Nagwagi ang dating senador at tinaguriang "People's Champ" na si Manny Pacquiao sa six-round exhibition boxing match na may unanimous decision kontra kay YouTube martial artist DK Yoo, na ginanap sa Korea International Exhibition Center sa Ilsanseo-gu, Goyang, South Korea.

Matatandaang matapos i-anunsyong magreretiro na sa boxing ay muling sumampa sa ring si PacMan upang kalabanin ang Korean YouTuber at mixed martial artist na si Yoo, sa pamamagitan ng exhibition match.

Bagama't nilinaw ng Pambansang Kamao na retirado na talaga siya sa larangang una siyang nakilala, gagawin niya lamang ito upang makatulong sa mga naapektuhan ng digmaan sa Ukraine at Russia. Magsisilbi itong fundraising event.

Nagkaharap na ang dalawa sa isang media conference sa Taguig noong Hulyo 20.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/21/pacquiao-makikibakbakan-ulit-sa-boxing-makakalaban-ang-korean-martial-artist-na-si-dk-yoo/">https://balita.net.ph/2022/07/21/pacquiao-makikibakbakan-ulit-sa-boxing-makakalaban-ang-korean-martial-artist-na-si-dk-yoo/

"Sisiguraduhin ko na yung condition ko ay 100% and mahigitan ko pa rin yung galing ko sa taas ng ring although ito ay charity event para makatulong tayo sa mas marami pang tao," saad ni PacMan noon sa panayam.

Nilinaw ni Manny na paninindigan niya ang retirement na inihayag niya noong kampanya sa pagkapangulo ng bansa.

"Nag-announce na ako ng retirement ko, iyan nasa puso ko at nasa mind ko unless kung magbago yung isip ko or puso ko na gusto ko lumaban ulit pero hindi pa ako nag-iisip nang ganoon," aniya.

"Ang sa akin ay kung paano ako kumita para makatulong."

Si Yoo ang tinaguriang "The Korean Bruce Lee" ayon mismo kay PacMan.