Aarangkada muli sa Disyembre 12, 2022 ang voter registration sa bansa para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre 2023.

Sa pahayag ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco, magtatagal ang pagrerehistro ng mga botante hanggang sa Enero 31, 2023.

Ang registration aniya ay isasagawa mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa, maliban lamang saDisyembre 24, bisperas ng Pasko, at 31, bisperas ng Bagong Taon.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Idinagdag pa niito na ang lahat ng uri ng aplikasyon ay tatanggapin sa pagpapatuloy ng voter registration, kabilang na ang bagong botante, pag-transfer ng rehistro, reactivation ng rehistro, at reinstatement ng rehistro.