Pinahalagahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Malacañang Press Club (MPC) sa ginagampanang pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko.

Ito ang reaksyon ng Pangulo matapos ipatawag ang mga miyembro ng MPC sa inihandang hapunan sa Malacañang nitong Sabado ng gabi.

“It is always important to take… especially pagka ganito na ano, ganito na holiday lalo na sa Pinoy, ang Pasko, it’s always important to take a step back a little bit, recharge and think again about what we are doing and that’s what Christmas is to me,” bahagi ng pahayag ni Marcos.

“So this is our version for all of you who have been so supportive… I know you have been working very, very hard to get the news out so that people know what’s going on, what we are doing here," dugtong nito.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Pinasalamatan din nito ang mga miyembro ng MPC sa kanilang dedikasyon sa trabaho upang maiparating sa publiko ang impormasyon sa araw-araw na ginagawa ng gobyerno.