Masaya at ipinagmamalaking ibinalita ni "Katips" director-writer Atty. Vince Tañada na halos humakot ng nominasyon ang kaniyang pelikula sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards.
Sa kaniyang Instagram post, nagpaabot na kaagad ng pagbati si Tañada sa mga taong nasa likod ng kanilang pelikula, sa iba't ibang kategorya.
"It is with great honor to announce that our film KATIPS received lucky 13 nominations from the Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards. They are as follows:"
BEST INDIE MOVIE OF THE YEAR: Katips
BEST DIRECTOR: Vince Tanada
BEST ACTOR: Vince Tanada
BEST SUPPORTING ACTOR: Johnrey Rivas
BEST NEW MOVIE ACTRESS: Nicole Laurel
BEST ENSEMBLE ACTING: The Cast of Katips
BEST SCREENPLAY: Vince Tanada
BEST CINEMATOGRAPHER: Manuel O. Abanto
BEST EDITOR: Mark Jason M. Sucgang
BEST PRODUCTION DESIGNER: Roland Aicenebur
BEST MUSICAL SCORER: Pipo Cifra
BEST SOUND ENGINEER: Dondon Mendoza
BEST ORIGINAL SONG: Sa Gitna Ng Gulo
"This is a strong validation of our hard work and dedication to our advocacy in utilizing our artistry to educate our countrymen. Many thanks to PMPC for the multiple nomination. We offer this blessing to God Almighty, the source of our talents. #KatipsTheMovie #StarAwards2022," ani Tañada.
Sa comment section ay nagpaabot naman ng pagbati ang batikang aktres na si Elizabeth Oropesa, na isa naman sa cast members ng "Maid in Malacañang" na katapat ng Katips sa takilya.
Si La Oro ang isa sa mga gumanap sa tatlong kasambahay (Karla Estrada at Beverly Salviejo) na saksi sa mga naganap sa pamilya Marcos, tatlong araw bago ang makasaysayang EDSA People Power I Revolution.
"Uy! Congrats Derek! Prestigious ang PMPC! Nakakatuwa naman," komento ni La Oro.
"Maraming salamat Tita Beth. Miss you," pahayag naman ng direktor.
Samantala, nagpahiwatig ang direktor na nagsisimula na ang shooting nila ng pangalawa niyang pelikulang "Project ASN" na sinasabing tatapat sa "Martyr or Murderer (MoM)" ni Direk Darryl Yap.