Usap-usapan ngayon ang social media post ni South Korean-American rapper-singger "Jessi" matapos aniyang turuan ng isang salitang Filipino, na inakala raw niyang "I love you" sa wikang Ingles.

Nagtanghal si Jessi sa isang festival sa Maynila noong Disyembre 9, at nag-iwan naman siya ng kaunting "friendly reminder" sa kaniyang Pinoy fans.

"Thank you for having me @88rising ❤️❤️🙏🏻🙏🏻 LOVE YOU MANILA!! ❤️ but ya’ll need to stop setting me up and teaching me bad words and telling me it means ‘i love you’ 😩😩 til we meet again… sey ni Jessi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/11/jessi-tinuruan-daw-ng-bad-words-inakalang-i-love-you-ang-ibig-sabihin/">https://balita.net.ph/2022/12/11/jessi-tinuruan-daw-ng-bad-words-inakalang-i-love-you-ang-ibig-sabihin/

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bag, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Kinatuwa naman ng mga netizen ang "pink trapal" na nasa background ng photo ni Jessi, na "very Pinoy" raw.

Samantala, marami naman ang mga nakapansing may malaking pagkakahawig sina Jessi at ang social media personalities na sina "Madam Kilay", "Toni Fowler", at "Madam Inutz" ayon sa comment section ng isang pahayagan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

"Hindi mo kami maloloko Madam Kilay!"

"Madam Kilay hahaha."

"Thank you Madam Kilay!"

"Madam Kilay di mo kami maloloko…"

"Akala ko si Mommy Oni hahaha."

"Toni Fowler?"

"Madam Inutz era hahaha."

"Thank you Madam Inutz!"

"Go Madam Inutz Korea Variant."

"Sa uulitin, Madam Inutz!"

At may mga nagsabi pang kahawig siya ni Kapamilya actress-TV host-model Maymay Entrata.

Madam Kilay, Madam Inutz, Toni Fowler, at Maymay Entrata (Larawan mula sa IG/FB)

"Trapal talaga ang background. Hahaha. Thank you Jessie J. Entrata."

"Wag kami Maymay!"

"Akala ko si Maymay Entrata Amakabogera hahaha."

Kamakailan lamang ay nagsagawa ng isang concert dito sa Pinas si Jessi kung saan ang naging direktor ay si Kapamilya actor/director John Prats.

Sa naturang solo concert, sinabi mismo ni Jessi na kung sakaling magreretiro na siya sa showbiz, maninirahan daw siya sa Pilipinas.

Pinagsabihan naman siya ng mga Pilipinong netizen na pag-isipan daw muna niyang mabuti ang kaniyang mga sinasabi.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/10/04/korean-rapper-na-si-jessi-bet-manirahan-sa-pinas-kapag-nagretiro-na/">https://balita.net.ph/2022/10/04/korean-rapper-na-si-jessi-bet-manirahan-sa-pinas-kapag-nagretiro-na/