Tumangging magbigay ng pahayag ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa ipinataw na sanction ng Department ofTreasury’s Office of Foreign Assets Control (OFAC) ng Estados Unidos laban kayKingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa umano'y sa mga pang-aabuso sa karapatang-pantao at pagkakasangkot sa korapsyon.

Sa isang pahayag, binanggit niDOJ spokesperson Mico Clavano, hindi pa napapanahon upang magkomento sa usapin ang ahensya.

"Allow us to gather verified information and seek US legal experts’ advice. Then we can act accordingly," pahayag ni Clavano.

Matatandaangsinabi ng OFAC na kabilang si Quiboloy sa mahigit40 katao at mga organisasyon na sangkot umano sakorapsyonat pang-aabuso sa karapatang pantao sa siyam na bansa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"For more than a decade, Apollo Carreon Quiboloy (Quiboloy) engaged in serious human rights abuse, including a pattern of systemic and pervasive rape of girls as young as 11 years old, as well as other physical abuse," pagdidiin ng OFAC.

Tinukoy ng OFAC ang sang federal indictment noong 2021 kaugnay ng pagkakadawit umano ni Quiboloy sa sex trafficking ng mga “pastoral” o mga batang babae sa KOJC na napiling magtrabaho bilang personal na alalay ni Quiboloy.

Binanggit sa formal complaint, inutusan ni Quiboloy ang mga pastoral na mag-“night duty,” at inatasang makipagtalik umano sa kanya, ayon sa itinakdang oras.

Bukod dito, maymga itinatago rin umano si Quiboloy na mga pastoral sa iba pang bansa, kasama ang Pilipinas at Estados Unidos.

"Quiboloy exploited his role within the KOJC to rape his victims and subject them to other physical abuse, describing these acts as sacrifices required by the Bible and by God for the victims’ salvation. The pastorals, who were mostly minors when initially abused by Quiboloy, were told by him to 'offer your body as a living sacrifice," ayon sa OFAC.

Idinetalye rin ng OFAC ang isang report na isang babae angn pinuwersa umanong makipagtalik kay Quiboloy, ng isang beses sa isang linggo, kahit noong menor de edad ito at sa kada bansa na kanilang pinupuntahan.

Binigyang-diin pa ng OFAC na isinailalim ni Quiboloy ang mga pastoral at iba pangKOJCmembers sa iba pang anyo ng pisikal na pang-aabuso,at pagpapadala sa kanila sa “Upper Six,” isang saradong compound na ginagamit umano sa pagpaparusa.

Itinanggi na ng mga abogado ni Quiboloy ang mga nasabing alegasyon.