Naglabas ng opisyal na pahayag ang US Department of Treasury laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy dahil sa alegasyon ng pagyurak umano sa mga karapatang pantao, gaya ng sex trafficking at physical abuse.

Mababasa ang press release sa US treasury website nitong Disyembre 9 (oras sa Amerika) kung saan pinapatawan ng sanction si Quiboloy sa pamamagitan ng Executive Order No. 13818 o Blocking the Property of Persons Involved in Serious Human Rights Abuse or Corruption December 20, 2017.

Screengrab mula sa US Department of Treasury website

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Screengrab mula sa US Department of Treasury website

Ayon kay Kanishka Gangopadhyay, spokesman ng US Embassy sa Maynila, naka-block na ang mga ari-arian ni Quiboloy sa Amerika. Lahat din ng mamamayan ng bansa at entities ay hindi maaaring makipag-ugnayan o magsagawa ng transaksyon sa kaniya.

“As a result of today’s action, all property and interests in property of the designated persons described above that are in the United States or in the possession or control of US persons are blocked and must be reported to OFAC (Office of Foreign Assets Control),” saad ng Treasury Department.

Wala pang pahayag ang kampo ni Quiboloy tungkol dito.