Magpapatupad na naman ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito na ang ikaapat na sunod na linggong rollback sa presyo ng langis, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ng DOE na batay sa kanilang pagsubaybay sa kalakaran ng langis sa bansa, mula ₱3.20 hanggang ₱3.50 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng diesel sa Martes, Disyembre 13.

Aabot naman sa ₱2.60 hanggang ₱2.90 ang itatapyas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Mula ₱4 hanggang ₱4.30 naman ang tatanggalin sa presyo ng bawat litro ng kerosene.

Idinahilan ng DOE ang paghina ng demand ng China dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus sa bansa.