Umarangkada na ang unang episode ng drag-reality TV show na “Drag Den Philippines” hosted by Manila Luzon noong Huwebes ng gabi, Disyembre 8, 2022.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/09/dragdagulan-na-drag-den-philippines-umarangkada-na-trending-sa-twitter/">https://balita.net.ph/2022/12/09/dragdagulan-na-drag-den-philippines-umarangkada-na-trending-sa-twitter/
Kaniya-kaniyang paandar ang drag queens na sina Aries Night, Barbie-Q, Lady Gagita, Maria Christina, Naia, Odasha, Pura Luka Vega, at Shewarma sa kanilang unang “Drag Test” kung saan ibinida nila ang iba’t ibang Pinoy national symbols sa pamamagitan ng kanilang drag outfits.
Nagustuhan ng guest “Drag Enforcer” na si Miss Universe 2018 Catriona Gray ang face shield-inspired costume ni Lady Gagita.
Sa naganap na “Main Drag Showdown” naman, wagi si Shewarma sa kaniyang Higantes Festival national costume na idinisenyo ng Drag Race Philippines host na si Paolo Ballesteros.
Inihayag naman ni Manila Luzon na walang magaganap na elimination sa buong season ng programa dahil linggo-linggong haharap ang drag queens sa iba’t ibang mga hamon at pagsubok.
Mula sa kanila, pipiliin ang top 3 queens na siyang papasok sa finale upang maging kauna-unahang “Drag Supreme” ng kompetisyon.
Samantala, hanggang sa dulo ng pilot episode ay pinag-usapan dahil sa makahulugang closing spiels ni Manila Luzon.
"Filipino talents are also recognized around the world---from having world class performers and even the world's greatest robbery of a government."
"And that's a fact."