Binigyang-pugay ni Pangulong Bongbong Marcos ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa pagkapanalo nito sa 2022 World Weightlifting Championships sa Bogota, Colombia noong Disyembre 7.

"Muli na namang nagpamalas ng natatanging galing ang kauna-unahan nating Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng mga gintong medalya sa 2022 World Weightlifting Championships," saad ni PBBM sa kaniyang Facebook page.

"Kaisa ko ang buong bansa sa pagbibigay pugay sa iyo, Hidilyn, sa patuloy mong pagsusumikap upang magsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino, at makapag-uwi ng karangalan para sa ating bayan!" dagdag pa niya.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Samantala, hindi pa rin makapaniwala si Hidilyn na natupad na niya ang pinapangarap niyang maging “world champion.”

“Kay gandang pakinggan, eto ay aking lamang pinapangarap. Natupad din sa wakas!” ani Diaz sa isang Instagram post.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/09/hidilyn-diaz-bilang-world-champion-natupad-din-sa-wakas/

Si Diaz, na ngayon ay world champion na, ay nagreyna sa women’s 55 kg event sa IWF World Weightlifting Championships.

BASAHIN:3 pang gintong medalya, naiuwi: Weightlifter Hidilyn Diaz, world champion na!

Nagpasalamat din si Diaz sa lahat ng naging bahagi ng kanyang paglalakbay patungo sa world championship.

Sinabi rin ng Olympic gold medalist na ito na ang kanyang huling stint sa 55 kg class.

“This is my last lift at 55kgs Category and I’m happy to end it as @iwfnet World Champion.”

Sinabi rin ni Diaz na inaabangan niya ang hinaharap habang naghahanda siyang maging kwalipikado para sa 2024 Paris Olympics.

Nakatakdang magretiro si Diaz pagkatapos ng Paris Olympics kaya naman puspusan ang paghahanda nito para makasungkit muli ng gintong medalya.

BASAHIN:Hidilyn Diaz, tiwala sa sarili para sa kaniyang ‘last lift’ sa 2024 Paris Olympics