Hindi ibebenta sa mga Kadiwa store ang milyun-milyong pisong puting na sibuyas na kinumpiska sa Maynila kamakailan.

Ito ang paglilinaw ni Department of Agriculture (DA) deputy spokesperson Rex Estoperez sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado at sinabing pinoprotektahan lang nila ang kalusugan ng mga mamimili.

Nabubulok na aniya ang mga nasamsam na sibuyas kaya hindi na ito mapapakinabangan.

Kamakailan, sinalakay ng mga tauhan ng DA at ng Philippine National Police (PNP) ang Divisoria sa Maynila kung saan nasabat ang ₱3.9 milyong halaga ng imported na sibuyas.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Aniya, ang nasabing produkto ay nakatakdang sunugin o durugin ng mga tauhan ng Bureau of Plant and Industry upang gawing pataba.