Hindi na muna kukumpiskahin ang lisensya ng mga lalabag sa batas-trapiko sa Metro Manila dahil na rin sa panukalang single ticketing system.

Nitong Sabado, nagkasundo ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na magpapatupad muna sila ng moratorium sa pagsamsam ng lisensya ng mga pasaway na motorista hangga't wala pang inilalabas na panuntunan para sa single ticketing system na nakatakdang ipatupad sa unang bahagi ng 2023.

Ang naturang hakbang ay batay na rin sa panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na dumalo rin sa nasabing pagpupulong.

"I thank the Metro Manila mayors for heeding my appeal. I would also like to reiterate that we maintain the authority of the LTO to confiscate driver's license as the leading law enforcement agency in implementing traffic laws and the safety of the motoring public," aniAbalos.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Sinabi naman ni LTO Assistant Secretary Jay Art Tugade, naglatag na sila ng technical requirements para sa MMDA at mga local government unit na nagpapahintulot sa mga ito na magbigay ng trafficviolation ticket.

"Once the single ticketing system is finalized, the LTO will strictly implement its demerit point system to be able to properly monitor driver’s license records. License should only be issued to deserving and qualified drivers," sabi pa ni Tugade.

Philippine News Agency