Nagbigay ng kaniyang reaksiyon at komento ang motivational speaker/fitness coach/social media influencer na si Rendon Labador sa naging mungkahi at pahayag ni Sagip party-list Representative Rodante Marcoleta tungkol sa pagkakaroon ng pildoras o food pill na maaaring ibigay sa isang taong nagugutom kagaya ng astronaut food kapag nasa kalawakan sila.

Nangyari ito sa confirmation hearing para kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr., kung saan natanong niya ito kung posible bang makaimbento ng pildoras o food pill na maaaring maibigay sa mga mahihirap upang mapawi ang kanilang gutom, kahit na hindi sila kumain ng ilang araw.

"I'm thinking aloud na kung sakali pong makaimbento tayo nung kinakain nila, ibibigay ko po sa mga mahihirap na kababayan natin. Even for months hindi sila kakain, hindi sila mamatay," saad ni Marcoleta na pumapatungkol sa "astronaut food".

"Kasi pag kinain niya yun, it will last for several days, if not months," dagdag ni Marcoleta.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi ito nasagot nang diretsahan ni Solidium ngunit nangako siyang pag-aaralan ito ng food security committee ng DOST. Sa kasalukuyan daw, hindi available sa Pilipinas ang naturang food pill.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/10/mungkahi-ni-marcoleta-tungkol-sa-food-pills-kontra-gutom-umani-ng-ibat-ibang-reaksiyon/">https://balita.net.ph/2022/12/10/mungkahi-ni-marcoleta-tungkol-sa-food-pills-kontra-gutom-umani-ng-ibat-ibang-reaksiyon/

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Ayos yun! kinabahan ang mga negosyante ng bigas, karne at gatas, pag matuloy to! Sige Marcoleta, push mo 'to!"

"Hahaha, gustong magka-ulcer ang mahihirap, kulang na lang lasonin para wala ng pakakainin."

"Allow people to eat natural food just like the rich. Stop your stupid ideas."

"Ang unang pakainin siya muna at pumunta sa moon. Only in the Philippines."

"Bakit hindi ka mamasyal sa squatters areas para maramdaman mo ang katayuan nila hindi yung puro kayo imbento na wala namang pambili."

"Gagawin na naman n'yong pang-experiment ang mahihirap. Siraulong politiko."

"Tayong mahihirap, ayaw nila pakainin ng tunay na pagkain. Makuntento na lang dapat daw sa food pills. Busog ka nga, miserable naman."

"Mauna ka, laklakin mo tableta mo LOL."

Nagkomento naman si Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito.

"Malaking tulong 'yan sa pilipinas na maraming tamad at palamunin. Good job! Support ako dito."

"Palamunin Pills," giit pa ni Labador.

Screengrab mula sa Balita Online

Samantala, wala pang tugon o pahayag si Marcoleta tungkol sa mga puna at komentong ibinato sa kaniya ng netizens hinggil sa kaniyang mga nasabi.