Ipinagtanggol ni Creamline Cool Smashers volleyball star player Jema Galanza ang mga kapwa atletang nasasabihang hindi namamansin o nang-iisnab, lalo't hot topic ngayon tungkol sa isyu ang kaniyang ex-partner na si Deanna Wong.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/08/tiktoker-na-inisnab-daw-ni-deanna-wong-may-inamin-kinausap-naman-niya-ako/">https://balita.net.ph/2022/12/08/tiktoker-na-inisnab-daw-ni-deanna-wong-may-inamin-kinausap-naman-niya-ako/

Ayon sa ulat, sa pamamagitan ng Kumu, sinabi umano ni Jema na huwag sanang mamisinterpret ng mga tagahanga ang paghangad ng atleta ng kanilang personal na oras.

“May times talaga na parang gusto mo lang na… gusto mo lang na lumayo kung baga parang gusto mo lang minsan ‘yung parang mundo mo lang. So, parang feeling n’yo minsan, hindi lang ako, siguro ‘yung iba din, parang gusto lang ng time para sa sarili nila. So, parang feeling n’yo iniisnab kayo ganyan,” ani Galanza.

National

Chinese na ayaw sumuko, binaril sarili, patay

Normal lamang naman daw para sa mga atletang gaya nila na magkaroon ng sariling oras para sa sarili nila.

“Ako din ‘yung parang minsan, parang bigyan n’yo po muna kami ng konting time para sa sarili namin ganyan, kasi may mga fans talaga o mga supporters talaga na medyo hindi nila nakokontrol ang kasiyahan nila, kaya parang kahit anong ginagawa ng tao, parang medyo naaano nila ‘yung time ganyan."

"Kaya parang minsan huwag n’yo ring ma-misinterpret ‘yung mga action or mga facial reaction namin kasi minsan nasa-shock din kami kasi minsan ‘yun ‘yung time namin para sa sarili namin or to enjoy, ‘yung wala masyadong ano sa amin… parang feeling namin normal lang kami."

"So parang minsan kung kunyari nasungitan or hindi lang okay, ‘yung reaksiyon namin, parang hindi naman sa naiinis kami or ayaw namin sa inyo ganyan… or ayaw namin mamansin. Nagugulat lang din kami, kasi nga may sarili rin kaming life. Parang minsan timplahin n’yo rin kumbaga… dahan-dahan kasi minsan may mga tao rin talagang hindi maayos ‘yung way nila para i-ano, i-approach ‘yung idol nila,” aniya pa.

Ikinagulat ng mga tagahanga nina Jema at Deanna ang anunsyo ng kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon, si Ivy Lacsina na ang partner ni Deanna at si Jema naman ay may ibang karelasyon na rin daw, na kasama niya sa koponan.

Samantala, ipinagtanggol din si Deanna ng co-owner ng tours and expeditions company na nag-asikaso sa kanila sa bakasyon nila sa El Nido, Palawan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/co-owner-ng-tour-company-sa-el-nido-ipinagtanggol-si-deanna-wong-hindi-siya-snobbish/">https://balita.net.ph/2022/12/07/co-owner-ng-tour-company-sa-el-nido-ipinagtanggol-si-deanna-wong-hindi-siya-snobbish/