Maaari umanong magdeklara ng outbreak ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ang mga local government units (LGUs) anumang oras, kung suportado ito ng Scientific data.

(Photo courtesy of Centers for Disease Control and Prevention)

Ang pahayag ay ginawa ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire matapos na matanong sa isang pulong balitaan nitong Biyernes, kung may pangangailangan na bang magdeklara ng outbreak ng HMFD, ngayong patuloy na dumarami ang mga naitatalang kaso ng sakit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon kay Vergeire, kung may Scientific evidence base sa surveillance data, ay maaaring magdeklara ng outbreak ang mga lokal na pamahalaan.

Maaari rin aniyang magsagawa ng deklarasyon kung ang mga kaso ng sakit ay hindi na manageable.

“For us to consider and trigger a declaration of an outbreak. Unang -una, surveillance data would support and say na tumaas siya for the past five years. But another consideration would be, is it manageable?” paliwanag pa ni Vergeire.

"Can the local government still be able and has the capacity to manage the cases and prevent further transmission?" dagdag pa niya.

Sa ngayon naman aniya ay tila kaya pang i-manage ng mga LGUs ang pagkalat ng karamdaman.

"So pag tiningnan natin, mukhang nakaka-manage ang local governments natin, they are coping and they are able to cope up with further transmission of the illness," anang health official.

Iniulat rin naman ni Vergeire na sa nakalipas na apat na linggo, mayroon lamang 29% na aktibong kaso ng HFMD habang ang natitirang iba pa ay nakarekober na.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang HFMD ay isang pangkaraniwang infectious disease na karaniwang nakakaapekto sa mga bata.

Ang karaniwang sintomas nito ay lagnat, masasakit na sores sa bibig, at rashes na may kinyi sa kamay, paa at balakang.