Matapos ang rebelasyon ni actress-TV-host-vlogger Alex Gonzaga na isang “artistang matanda” ang nagpa-traumatize sa kaniya noong medyo bagets pa siya matapos mapagsabihan sa taping, nagkakaisa ang mga netizen na baka ang tinutukoy raw niya ay ang premyadong aktres na si Dina Bonnevie.

Mapapakinggan ito sa podcast ni Alex na "Ano na Catherine?" na mapapanood din sa kaniyang YouTube channel. Tinalakay ni Alex sa vlog na lagi siyang "bad guy" sa paningin ng lahat dahil sa kaniyang "maingay" at palabirong personalidad.

Sa bandang dulo ay nabanggit ni Alex ang kaniyang karanasan sa isang senior star, noong siya ay nasa edad 20 o 21.

"So there was a time, when I was in early 20s, mag-21 ako, I was so traumatized, pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda… pinagsisigawan niya talaga ako from head to foot, everything, kasi akala niya galing ako sa bahay late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kaniya," ani Alex.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"And then after how many years, she's painting me as the bad guy, na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think hindi ako 'yan, pero parang yung kuwento ko ang sinasabi niya, pero mali yung kuwento niya. Di ba may mga gano'n? May mga tao na who did you wrong, or who traumatized you, and then you don't even talk about it, parang you would just let it be, and then pag sila pa ang nagkuwento, sila pa yung mabait, ikaw pa yung masama, parang ibang-iba na yung kuwento."

"So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then ang daming umaagree… wala… kasi alam ko naman yung katotohanan eh," ani Alex.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/alex-gonzaga-tinalakan-daw-ng-isang-artistang-matanda-noon-i-was-so-traumatized/">https://balita.net.ph/2022/12/05/alex-gonzaga-tinalakan-daw-ng-isang-artistang-matanda-noon-i-was-so-traumatized/

Walang binanggit o tinukoy na pangalan o gender si Alex kung sino ba ang tinutukoy niyang artistang matandang nambulyaw sa kaniya, subalit naniniwala ang mga netizen na si Dina Bonnevie ito, batay na rin sa kumakalat na video ng naging panayam sa beteranang aktres noong 2018, tungkol sa isang "starlet" na napagsabihan niya noon.

"Talagang sinabihan ko siya, 'Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call time is 9:00 and you come down from your van at 12:00 na naka-pajama? Really? Sabi ko sa kaniya, 'Hindi pa pinapanganak ang babastos sa akin'. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself…"

Nang sabihan daw siya na isusumbong siya nito sa nanay niya, "Sige papuntahin mo rito, mag-showdown kami ng nanay mo…"

https://twitter.com/avmdmt/status/1530185859655692288

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dina o maging si Alex tungkol sa isyung ito. Sa ngayon trending na ang "Team Dina" sa Twitter, pabor sa premyadong aktres.

Screengrab mula sa Twitter