Niyanig ng 5.6-magnitude na lindol ang Davao Oriental nitong Sabado ng madaling, ayon na rin sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong 4:01 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig 51 kilometro timog silangan ng Governor Generoso.

Umabot sa 61 kilometrong lalim ang idinulot ng pagyanig na sanhi ng tectonic o paggalaw ng fault line malapit sa lugar.

Sa abiso ng ahensya, walang naitalang pinsala ng paglindol na inaasahang magdudulot ng aftershocks.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Naramdaman naman ang Intensity IV sa Governor Generoso, Davao Oriental; Bansalan, Davao del Sur; Malapatan at Malungon, Sarangani; Intensity III sa City of Davao; City of Mati, Davao Oriental; Alabel, Glan, at Kiamba, Sarangani; City of Koronadal, Polomolok, Tampakan, at Tupi, South Cotabato; City of General Santos; at Intensity II sa City of Kidapawan, Arakan, M'lang, Makilala, at Pikit, Cotabato; Maasim, Sarangani; Surallah, South Cotabato; at Columbio, Sultan Kudarat.