Naglabas ng kaniyang saloobin ang award-winning news anchor/journalist na si Atom Araullo sa kaniyang obserbasyon at karanasan hinggil sa transportation system sa bansa, partikular sa paliparan o airport.
Ayon sa tweet ni Atom nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 9, kagagaling lamang niya umano sa isang overseas trip.
"Just arrived at the airport from an overseas trip. No coupon taxis, no metered taxis, no Grab. Wala rin tayong mga bus at tren dito."
"Basically kung wala kang sundo, you’re dead. It’s been an hour and counting."
"This is what a broken transpo system looks like," ani Atom.
Sa sumunod na update, matapos daw ang dalawang oras ay saka lamang nakapagpa-book ng Grab si Atom. Ang nakita naman niyang problema ay ang di matapos-tapos na bigat ng daloy ng trapiko.
"Update: was able to book Grab after a little less than 2 hrs. Setting the pick up location to the departures area (T2) worked. Traffic na lang problema, hehe. Wawa yung mga nakapila pa sa taxi though, madalang talaga dating ng mga sasakyan. Salamat sa thoughts and prayers!" aniya.
May mga netizen ang nagbigay sa kaniya ng iba't ibang mungkahi upang sa susunod, mas mapabilis ang paghahanap niya ng masasakyan.