Ibinahagi ng aktres at politikong si Aiko Melendez ang kaniyang pananaw tungkol sa mga napababalitang pang-iisnab ng mga artista sa kanilang mga tagahanga o kapwa rin artista.

"My take and view sa pagiging snob ng mga artista," ani Aiko sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Disyembre 8.

"Ako kasi kapag me bumabati sa akin o magpapapicture kahit gaano na ako kapagod pinagbibigyan ko, Ang rason ko lagi hindi naman natin alam kung first and last encounter mo na roon sa taong 'yun eh so yung mga simpleng gestures like saying HI! Or pagbigyan ng picture taking ok lang yan. Hindi naman kawalan sa pagkatao nyo yan."

"Puwera nalang kung nasa ER ka ng hospital at hindi naman tama ang right timing puwede ka tumanggi. Lahat me right timing eh. Like sa pagpunta sa mga lamay at patay as much as possible ayaw ko po nagpapapicture sa tabi ng kabaong kasi bilang tanda ng aking respeto yun sa namatay at namatayan kaya doon sa mga nagpapakuha inaaya ko sila sa ibang angle tara dun tayo sa independent space."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Hindi lamang daw ito para sa mga artista kundi sa mga itinuturing na "public figure" gaya ng celebrities, social media influencers, politiko, at maging mga atleta.

"Ang artista, politicians, athletes, influencers etc. considered as a public figure, give credit also to your fans na iniidolo kayo, yung simpleng time mo. If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places otherwise hindi mo talaga maiiwasan na me matuwa na nakakakilala sa'yo ang mag-hi and hello or papakuha ng picture sa inyo."

"Tandaan Humility! Fame is all temporary but the right attitude lasts a lifetime. GOOD AM! Be nice and kind!"

Matatandaang naging hot topic sa social media ang umano'y di pagpansin ng Choco Mucho Flying Titans sa kanilang mga tagahanga habang sila ay nasa Boracay.

Maging ang star player nilang si Deanna Wong ay nasabihan ding isnabera ng isang netizen, matapos ibahagi sa TikTok ang kaniyang engkuwentro kay Boss D.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/">https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng koponan tungkol dito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/pamunuan-ng-choco-mucho-flying-titans-dinepensahan-ang-kupunan-vs-pandededma-viral-video/">https://balita.net.ph/2022/12/05/pamunuan-ng-choco-mucho-flying-titans-dinepensahan-ang-kupunan-vs-pandededma-viral-video/

Samantala, ang komedyanteng si Tuesday Vargas naman ay naging trending din matapos niyang ibahagi ang karanasan hinggil sa pang-isnab sa kaniya ng dalawang "batang artista".

Bagama't walang pinangalanan, umalma naman dito ang mga tagahanga ng tambalang "KDLex" nina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/06/road-manager-nag-sorry-daw-kdlex-tinutukoy-ni-tuesday-vargas-na-umisnab-sa-kaniya/">https://balita.net.ph/2022/12/06/road-manager-nag-sorry-daw-kdlex-tinutukoy-ni-tuesday-vargas-na-umisnab-sa-kaniya/