Aminado si Rain or Shine (ROS) head coach Yeng Guiao na malakas ang guest team na Bay Area Dragons kaya pinaghandaan nila ito sa kanilang salpukan sa 2022-2023 PBA Commissioner's Cup quarterfinals series sa PhilSports Arena,mamayang 3:00 ng hapon (Biyernes).
"Kahit anong gawin mong preparasyon doon wala ka namang magagawang preparasyon sa team na iyon, eh, Advantage sila sa lahat. Advantage sila sa import, advantage sa height. 'Yung samahan nila wala silang ginawa kundi matulog, nasa hotel, so sama-sama sila talaga roon," aniGuiao sa isang panayam.
"Soang lakas ng camaraderie, ang lakas ng chemistry nila. So wala akong masabing strategy doon, 'di ko alam kung paano
namin tatalunin iyon. Masyadong malakas,"dagdag pa ng beteranong coach ng ROS.
Inaasahang isasabak ng Dragons ang 6'10" import na si Andrew Nicholson, kapalit ng na-sprain na scoring machine na si Myles Blake Powell.
Hawak ng Dragons ang twice-to-beat incentives.
Sa ikalawang laro, magsasalpukan naman ang Magnolia at Phoenix Super LPG, dakong 5:45 ng hapon.
Katulad ng Dragons, taglay din ng Hotshots ang twice-to-beat advantage.
"We achieved 'yung goal namin na makarating sa twice-to-beat, and the next goal is 'yung makarating sa next step which is the semis"pahayag ni Hotshots coach Chito Victolero sa panayam ng isang sports news agency.