Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Biyernes na magpapatupad sila ng taas na ₱0.3297 kada kilowatt-hour (kwh) sa singil nila sa kuryente ngayong Disyembre.

Sa abiso ng Meralco, bunsod ng dagdag-singil, ang halaga ng elektrisidad para sa typical household ay aabot na sa ₱10.2769 kada kWh ngayong buwan, mula sa dating ₱9.9472 kada kWh noong Nobyembre.

Anang Meralco, nangangahulugan ito na ang mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh, ay makakaranas ng ₱66 na dagdag sa kanilang bayarin sa kuryente.

Aabot naman sa ₱99 ang madadagdag sa bayarin ng mga nakakagamit ng 300 kwh kada buwan, ₱132 para sa nakakagamit ng 400 kwh kada buwan at ₱165 naman sa kumukonsumo ng 500 kwh.

Sen. Bato handa raw maging patas sa impeachment trial ni VP Sara

“This month’s overall rate increase was mainly due to the completion of a distribution-related refund equivalent to ₱0.4669 per kWh for residential customers,” anang Meralco sa isang pahayag.