Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na maaari nang magreklamo online laban sa mga nangongotong na traffic enforcer nito.
Paliwanag ni MMDA chairman Romando Artes, inilunsad muli ang online complaint form upang makapagreklamo ang mga drayber laban sa mga tiwaling traffic enforcer.
“Bago po ito, pinadali po natin 'yung proseso. May ifi-fill-up lang silang mabilis, tatlong questions lamang po: pangalan, 'yung ticket number, at 'yung kanilang reklamo,” sabi ng opisyal nang kapanayamin sa telebisyon nitong Biyernes.
Maaari aniyanggamitin ang online form para kuwestiyunin ang ilang ticket na ibinigay sa kanila dahil sa mga traffic violations.Sinabi pa nito na ireresolbaolbangtraffic adjudication division ang mga reklamo sa loob ng tatlong araw.
Ang hakbang ng MMDA ay inilabas kasunod na rin ng pagkakaaresto ng isang enforcer ng MMDA nitong Huwebes ng madaling araw matapos umanong kotongan ang isang truck driver dahil sa paglabag sa batas-trapiko sa Quezon City.