Iniimbestigahan na ng Philippine government ang pagkamatay ng isang manggagawang Pinoy sa Qatar kamakailan.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), kumilos na ang Embahada ng Pilipinas sa Doha upang matukoy ang sanhi ng ikinamatay isang 40-anyos na Pinoy.

"The Embassy is working with legal authorities to ascertain more details of his passing. They will remain in contact with the next of kin of the deceased as they work for the earliest repatriation of his remains," pahayag ng DFA.

Naiulat na nahulog sa isang rampahan ng forklift truck ang nasabing manggagawa habang nagkakabit ng mga ilaw sa isang resort na ginagamit na training base ng national football team ng Saudi Arabia.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Hindi pa isinasapubliko ng DFA ang pagkakakilanlan ng manggagawa hangga't hindi pa naipapaalam sa pamilya nito ang insidente.

Nauna nang inihayag ng isang Qatari official na mahaharap sa kaso ang employer ng namatay na Pinoy dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols.

Nitong nakaraang buwan, isinapubliko ng mga awtoridad ng Qatar na umabot na sa 414 migrant workers ang namatay sa sunud-sunod na labor accidents simula 2014 hanggang 2020.