TIAONG, Quezon -- Tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang mini-pison na nakaparada malapit sa Maharlika Highway noong Huwebes ng umaga, Disyembre 8, sa Brgy. Talisay dito.

Pag-aari ng l.A. Bosque Construction Corp. ang naturang makina at naiulat itong nawawala bandang 8:30 ng umaga.

Ayon kay company representative Ericson Dipasupil, nakaparada ang pison sa lugar noon pang Disyembre 1 dahil sa problema sa makina at isang linggo nang inaayos. 

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ito ay kinarga ng hindi pa nakikilalang mga lalaki sa isang puting elf boom truck.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mabilis na tumakas ang nasabing trak patungo sa direksyon ng San Pablo City, Laguna. 

Sa ulat ng pulisya, nagsasagawa sila ng follow-up investigation upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.