Hindi inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng antigen test sa mga dumadalo sa Christmas party.

Sa isinagawang pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, mas accurate ang antigen test nang gamitin nila ito sa mga nakitaan ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa kasagsagan ng pandemya sa bansa.

"'Pag ginagamit po natin ang antigen test for screening, which is really not recommended, you might get false positive or false negative results. This would just give you inaccurate management," pagdidiin ni Vergeire.

Posible aniyang magkaroon ng hawaan sakaling magkaroon ng false negative results.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Pinayuhan nito ang publiko na pairalin na lang ang health screening.

Aniya, kung makararanas ng sintomas ng sakit katuladng pagkakaroon ng sipon, mas mainam na manatili na lang sa bahay.

Mas makabubuti rin aniya na mag-face mask ang mga dadalo sa mga pagtitipon ngayong Kapaskuhan upang maiwasang magkaroon ng hawaan ng Covid-19.

Kamakailan, nagbabala ang health expert na siDr. Benito Atienza, Vice President ng Philippine Federation of Professionals Associationisang, na sumunod sa health protocol upang maiwasang maging super spreader event ang Christmas party.