Posibleng mabuo bilang bagyo ang low pressure area (LPA) na namataan sa bahagi ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pagtaya ng PAGASA, ang naturang LPA ay magiging bagyo sa Sabado, Disyembre 10, at ito ay magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.

Kabilang sa inaasahang makaranas ng matinding pag-ulan ang Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Caraga, at Davao Region sa susunod 24 oras.

"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible," babala ng PAGASA.

Probinsya

PETA, umalma sa viral video ng sawa na ibinalibag sa daan sa Davao City

Huling namataan ang LPA 415 kilometro silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Tatawagin itong "Rosal' sakaling mabuo bilang bagyo.