Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na kabuuang 132,770 katao ang nakatanggap ng first booster shot laban sa Covid-19 sa idinaos nilang tatlong araw na "Bakunahang Bayan" sa buong bansa kamakailan.

Sa isang pulong balitaan, iniulat rin ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang vaccination coverage sa mga indibidwal na kabilang sa 5 to 11 age group ay tumaas rin sa 49.3%, matapos na makapagbakuna pa ng karagdagang 33,239.

Ang target umano ng pamahalaan na mabakunahan para sa nasabing grupo ay 10.8 milyon.

"For our 5-11 years old, we were able to vaccinate an additional 33,239," ani Vergeire.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Matatandaang ang naturangspecial inoculation drive, ay idinaos mula Disyembre 5 to 7.

Layunin nitong mapataas ang booster uptake at vaccination coverage sa pediatric population.

Sa pinakahuling datos ng DOH, nabatid na umaabot na sa mahigit 73.6 milyong Pinoy ang fully vaccinated laban sa Covid-19. 

Sa naturang bilang, 20.9 milyon na ang nakatanggap ng booster shots.