Handa nang maglabas ng bilyun-bilyong piso ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa isinusulog na panukalang Maharlika Wealth Fund (MWF).

Ito ang tiniyak ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila, Jr sa mga kongresista sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Approriations hinggil sa mungkahing MWF Act.

Kukunin aniya ang hanggang ₱35 bilyon sa dibidendo ng BSP.

Kalahati aniya ng dibidendo ng BSP ay ibibigay sa MWF dahil ang 50 porsyento pa nito ay gagamitin nilang kapital.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Hinahabol aniya nila ang target capital alinsunod na rin sa naamyendahang charter nito.

Paniniyak ni Dakila, hindi maaapektuhan ng kontribusyon nito sa MWF ang international reserves ng BSP.

Matatandaang sinabi ni House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo, na aabot sa ₱150 bilyon ang paunang pondo para sa MWF.

Layunin aniya ng hakbang na mapalaki ang excess funds ng mga state-run financial institutions pamamagitan ng pamumuhunan.

Matatandaang binatikos ng mga mambabatas ang panukala at sinabing magastos ito at hindi na kailangan.