Nanawagan ang isang kongresista sa Social Security System (SSS) na bayaran na ang dagdag na₱1,000 pensyon at huwag nang makisawsaw sa isinusulong na Maharlika Wealth Fund.

Sa pahayag niHouse Deputy Minority Leader, ACT Teachers Rep. France Castro sa isinagawang pulong balitaan, naglabas na sila ng joint resolution at ito ay aprubado na "in principle" ng Committee on Government Enterprises.

“Sa Committee on Government Enterprises and Privatization, in principle naman ay approved na ito kasama nung bill ni Congressman Go kaugnay naman din sa the same purpose. In principle, approved na ito at kailangan na talaga ibigay ng SSS ang kanilang obligasyon sa pensyon at hindi na dapat sila nakisawsaw sa Maharlika na ito," sabi ni Castro.

Aniya, nagkaroon na ng karagdagang₱2,000 SSS pension na aprubado na sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Gayunman, aabot lang sa₱1,000ang ibinigay.

Mababayaran aniya ito ng SSS kung pagbubutihin ng ahensya ang pangongolekta ng premiums.

“Yung kanilang inefficiency sa collection ay talagang problematic. 'Yung kanilang mga pinasok before na mga investment ay nagkaroon din ng iba pang mga problema na kung tutuusin, kung talagang efficient lang ang SSS, kayang mabayaran itong additional o itong utang ng gobyerno o SSS sa mga ating mga pensioner na additional P1,000,“ dagdag pa ng kongresista.