Mahigit na sa 11 milyong motorcycle license plates ang hindi pa mapapakinabangan dahil hindi pa natatapos, ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Bukod pa ito sa mahigit 92,000 driver's license na hindi pa ring naibibigay sa mga may-ari nito.

Sinabi ni LTOchief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade sa panayam sa radyo, kabilang sa mga dahilan ay ang depektibong laser engraving machines sa district at extension offices sa mga lalawigan.

“Ang fault naman po ng ahensya natin is hindi tayo nagkaron ng mga sufficient stock para ma-address ‘yung mga potential future breakdown ng mga equipment natin,” pagdidiin ni Tugade.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nangako naman ang opisyal na makukumpini ang mga pumalyang makina bago pa pumasok ang Pebrero 2023.

Aniya, magbibigay muna ng temporary na lisensya ang apektadong tanggapan ng LTO habang hinihintay pa ng mga ito na mailabas ang mga naipong lisensya.