Inaresto ng mga awtoridad ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos umanong kotongan ang isang truck driver sa Quezon City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District-Criminal Investigation Division chief, Lt. Anthony Dacquel, ang suspek na si Raul Lapore, traffic enforcer ng MMDA.

Aniya, inaresto nila si Lapore habang kinokotongan umano ang truck driver na si Crisli Rife.

Sinabi ni Rife, pinara siya ni Lapore habang nagmamaneho ng truck sa Congressional Avenue at sinita dahil wala ito sa truck lane.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Ipinaliwanag naman ni Rife na tatama ang karga niya sa center island kaya hindi na siya pumasok sa truck lane.

Dahil dito, naglagay na lamang umano ito ng₱300 kay Lapore upang hindi na matiketan.

Paliwanag naman ni Dacquel, dati na silang nakatanggap ng reklamo mula sa isang truck driver na kinotongan umano ni Lapore sa nasabi ring lugar.

Dahil dito, nagbantay ang mga pulis sa lugar at namataan ang suspek na pinaparanaman ang isang truck na minamaneho naman ni Rife.

Itinanggi naman ni Lapore ang alegasyon at sinasabnhg pinipilit

Hawak na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong robbery extortion.