Posibleng maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao nitong Huwebes.
Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumasok sa bansa ang LPA nitong Disyembre 8 ng hapon at huling namataan 870 kilometro silangan ng Mindanao.
“Ang nasabing low-pressure area nating binabantayan, dahil nagpapakita ito, base sa analysis, ng mga posibilidad na maging bagyo sa susunod na mga araw,” ayon sa weather bulletin broadcast ni weather specialist Raymond Ordinario nitong Huwebes.
Aniya, ang trough o extension ng LPA ay inaasahang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms saMindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at Bicol Region.
Sinabi pa ng PAGASA na maapektuhanng shearline ang bahagi ng Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte kung saan makararanas ang mga ito ng pag-ulan sa mga susunod na araw.