Hindi maikakaila na natuon ang atensyon ng mga Pilipino sa katatapos lamang na eleksyon matapos mag-number one ang 'Halalan 2022' bilang “Overall Top Trending Search” sa Google.

Sa inilabas na ulat ng Google nitong Disyembre 7, isiniwalat ang mga nangungunang trend, balita, personalidad, palabas, at higit pa na hinahanap ng mga Pilipino sa Google ngayong taon.

“This year, Halalan 2022 topped the Overall Top Trending Searches as Filipinos searched for information regarding the 2022 national elections from how to find their precincts, voting resources, and results. Precinct finder also made its way in the overall list at number three,” anang Google sa isang pahayag.

Naupo sa ikalawang pwesto ang “VaxCertPh,” na nasa ikaapat na pwesto nakaraang taon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nakarating din ang "Precinct finder" sa pangkalahatang listahan sa numero tatlo.

Narito ang buong listahan:

  1. Halalan 2022
  2. VaxCertPh
  3. Precinct finder
  4. Wordle
  5. All of Us Are Dead
  6. Warriors vs Celtics
  7. Ukraine
  8. Encanto
  9. Axie Infinity
  10. Jeffrey Dahmer

Samantala, ang basketball player na si Ricci Rivero ay ang "most searched male personality" sa Google, kasunod ng kanyang championship stint sa Unibersidad ng Pilipinas at ang kanyang romantikong relasyon sa aktres na si Andrea Brillantes.

Nanguna sa listahan ng mga babaeng personalidad ang American actress na si Amber Heard, na naging headline ngayong taon matapos matalo sa kasong paninirang-puri na isinampa ni Johnny Depp. Nakuha sa pangalawang puwesto ang aktres at host na si Kris Aquino, na lumalaban sa ilang autoimmune disease.

Tinalo ng Korean zombie series na "All of Us Are Dead" ang "Extraordinary Attorney Woo" sa pinakahinahanap na listahan ng Korean series. Nanguna rin ito sa listahan ng mga serye/palabas sa TV.

Pinataob naman ng Korean zombie series na "All of Us Are Dead" ang "Extraordinary Attorney Woo" sa most searched Korean series list.