Mismong kay dating bise-presidente at ngayon ay Angat Buhay chair Atty. Leni Robredo na nanggaling na hindi niya isinasara ang kanyang sarili sa pagtakbo muli sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa susunod na eleksyon.

Sa panayam ni Ambassador Frank Wisner ng Asia Society Policy Institute Council kay Robredo, nakipagtalakayan ito tungkol sa paglaban sa disinpormasyon, Angat Pinas, at sa hinaharap ng demokrasya.

Naitanong din ni Wisner ang mga plano ni Robredo, kabilang na rin kung tatakbo ba ito sa susunod na national election.

"Madam vice president, I think the entire audience tonight admires your candor your willingness to describe this clearly very difficult period and your determination to stand by the responsibilities of the office that you are elected to which leads me to ask you to reflect a bit on your own future, do you want to continue to contest for highest office?" tanong ni Wisner.

Internasyonal

Spanish tourist, pinatay ng pinaliliguang elepante

"I hate saying, “I'm not running anymore,” because I said that so many times already and I ate my words," sagot ni Robredo na nagpatawa sa audience.

Muling binalikan ni Robredo ang panahong sinabi niya na hindi niya papasukin ang politika, ngunit sa hindi niya inaasahang pangyayari, sa pagkamatay ng kanyang asawa, nag-udyok ito sa kanya upang tumakbo bilang miyembro ng House of Representatives.

"… after the plane crash happened, a lot of people were pushing me to run and then I said again, "Over My Dead Body." But during the last day of filing for certificates of candidacy I filed as a candidate for the House of Representatives," pagbabahagi ni Robredo.

Dagdag pa niya, hindi rin siya ang manok ng kanilang partido para tumakbo bilang bise sa eleksyon noong 2016 ngunit wala siyang pagpipilian noon kaya kahit na maliit ang tsansa ng pagkapanalo ay sumugal pa rin si Robredo.

"…when I was a member of the House of Representatives, I wasn't the first choice to run for the vice presidency but then the first choice decided to run for another position and I was the only choice left and even if I said, "I wouldn't run for the vice presidency" so many times. I ran," ani Robredo.

Gayundin ang naging karanasan ni Robredo noong nagdadalawang-isip siyang tumakbo sa pagka-presidente nitong Mayo.

Kaya naman, mula sa karanasan ni Robredo, isang bagay ang natutunan nito, ang pagsunod sa tawag ng paglilingkod.

"… but you know if there is one lesson that I've learned from my years as a public servant is that, when there is a call for you to serve, no matter how difficult, you answer the call. Because not everyone is given the privilege of being in a position to make a difference, and that's what happened to me many times over and despite the difficulties I don't have any regrets," ani Robredo.