Lumobo na sa₱13.64 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang nitong Oktubre, ayon sa pahayag ng Bureau of Treasury (BTr) nitong Miyerkules.

Sa pahayag ng BTr, mas mataas ito kumpara sa naitalang₱13.51 trilyon nitong Setyembre na resulta ng patuloy na pag-utang ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ng BTr, kabilang na rito ang foreign at local debt ng bansa.

Dahil sa pagtaas ng utang, tumaas ng 0.92 porsyento ang kabuuang debt portfolio ng pamahalaan mula nitong Setyembre.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Sinabi rin na mula nang magsimula ang 2022, lumobo na ng₱1.91 trilyonang utang ng Pilipinas.

Sa kabuuang utang ng Pilipinas, nasa₱9.36 trilyon o 68.58 porsyento ang panloob o local debt at₱4.29 trilyon naman ang panlabas na utang nito.

“For October, the increment to domestic debt was primarily due to the net issuance of government securities amounting to₱55.83 billion while local currency appreciation against the US dollar trimmed₱1.25 billion,” banggit ng BTr.

Binanggit pa na lumaki ang foreign debt ng bansa sa nakaraang dalawang taon dahil ginamit ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang labanan ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.