Naging emosyunal ang mga nakiramay sa huling lamay at pagpupugay para sa yumaong ina ng Kapamilya singer na si Erik Santos.

Isa sa mga nag-alay ng kanta para sa kay "Nanay Lits" ay ang kaibigan ni Erik na si "Queen of RnB" Kyla, na naatasang awitin ang "Tanging Yaman" na naunang pinasikat ni Carol Banawa.

Sa TikTok video na nakuhanan ni Ogie Diaz, makikitang hindi napigilan ni Kyla ang emosyon at tuluyang bumuhos ang luha para sa namayapang ina ng kaibigan.

Agad namang tumayo si Asia's Songbird Regine Velasquez upang samahan ito sa harapan at saluhin ang kanta sa lumuluhang si Kyla.

Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025

"Apakabait talaga ni Regine…" caption ni Ogie.

Bukod dito, nag-duet naman sina Ate Reg at Concert King Martin Nievera sa awiting “The Prayer.” Si Ogie Alcasid naman ang umawit ng "Hindi Kita Malilimutan" at "Ugoy ng Duyan" naman ang inialay ni Vina Morales.

Inawit naman ni Morissette Amon ang “You Raise Me Up” at kinanta naman ni Jason Dy ang “Sa’Yo Lamang.”

At siyempre, nariyan din ang isa sa malalapit na kaibigan ni Erik na si Angeline Quinto na inihandog ang "Huwag Kang Mangamba".

Si Erik naman ay inawit ang "Ikaw" para sa namayapang ina dahil sa sakit na lung cancer.

Ilang beses pa siyang halos matigil sa pagkanta dahil sa pagbuhos ng kaniyang emosyon.

Bumuhos din ang pakikisimptya ng netizens at mga kaibigan para sa singer.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/05/panourin-makabagbag-damdaming-huling-pag-awit-ni-erik-santos-sa-namayapang-ina/">https://balita.net.ph/2022/12/05/panourin-makabagbag-damdaming-huling-pag-awit-ni-erik-santos-sa-namayapang-ina/