Isang netizen na nakakita kay Choco Mucho Flying Titans star player Deanna Wong habang nakabakasyon ito sa El Nido, Palawan ang nagpatunay na hindi umano isnabera ang naturang volleyball player.

Makikita sa tweet ng netizen na si @beyuhdeI ang video clip ng pagpansin at pagkaway ni Deanna sa kaniya habang nakasakay sila sa isang sidecar ng partner na si Ivy Lacsina. Makikita sa video na todo-kaway ang volleyball star na kamakailan lamang ay binabatbat ng kritisismo dahil sa pagiging "dedma" sa ilang fans.

"wag muna kayong umuwi! huhu I'm happy to see u na nag-eenjoy lang," saad ng netizen sa kaniyang tweet.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Eleksyon

'Half-human, half-zombie' 'Rastaman', kakandidato bilang senador; pabor sa e-sabong

"Salamat El Nido! Dedma na tayo sa Boracay daming zombies do'n."

"Ayan may pang Ms.U na wave at hi, talagang naenjoy nila yung El Nido unlike sa Boracay na daming bubuyog."

"Pede endorser ng orocan."

"Kaway-kaway with flying kiss pa 'di ba?"

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/">https://balita.net.ph/2022/12/07/deanna-wong-todo-ngiting-namansin-kumaway-sa-isang-fan-habang-nakabakasyon-sa-el-nido/

Nagkomento naman ang motivational speaker/fitness coach na si Rendon Labador sa ulat ng Balita Online tungkol dito. Matatandaang isa si Labador sa mga personalidad na sumita sa kinabibilangang volleyball team ni Deanna tungkol sa insidente ng pang-iisnab umano sa mga tagahanga nila habang nakabakasyon sa Boracay.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/01/rendon-labador-pinatutsadahan-ang-isang-volleyball-team-na-hindi-namamansin-sa-fans/

Pinakawalan din ng mga tirada ni Labador si Wong sa kaniyang live.

"Yan ang maganda! Kahit plastik lang ang kaway at ngiti okay na. Ayaw ko lang kasi ay makita ng lahat sa socmed ang hindi magandang galawan. Inaayos ko ang mindset ng kabataan tapos sisirain ninyo lang? Doon ako nagagalit. Kaya tama 'yan Boss D! Kung ganyan lang ang pinapakita mo eh di magkakasundo tayo."

"Naniniwala akong magbabago ka pa for the better! #stayMotivated."

Screengrab mula sa Balita Online

Samantala, wala pang direktang tugon o pahayag si Deanna sa mga intrigang ipinupukol sa kaniya ngayon.