Natimbog ng mga awtoridad ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Southern District Office at tatlong iba pa matapos masamsaman ng mahigit ₱9 milyon sa ikinasang operasyon sa Taguig City nitong Martes ng gabi.

Gayunman, hindi muna isinapubliko ni Southern Police District (SPD) Director Brig. Gen. Kirby Kraft, ang pagkakakilanlan ng district director ng PDEA at tatlo pang suspek habang isinasagawa pa ang imbestigasyon sa kaso.

Ang anti-drug operation aniya ay isinagawa ng pulisya at ng mga tauhan ng PDEA sa loob ng PDEA-Southern District Office sa nasabing lungsod.

Hindi na aniya nakapalag ng mga suspek nang arestuhin sila ng mga awtoridad matapos bentahan ng shabu ang isang police poseur buyer.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Nasamsam sa anim na suspek ang mga sachet ng shabu, isang package, drug paraphernalias at apat na baril.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya si PDEA Director General Moro Virgilio Lazo at sinabing wala silang pinipili sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang anim na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.