Nagdulot ng good vibes sa mga netizen ang isang litratong kumakalat sa iba't ibang social media pages kung saan makikitang inilagay ng isang online buyer ang bayad niya sa delivery rider ng para sa kaniyang biniling produkto.

Nag-iwan pa ng note na nakasulat sa bond paper ang naturang customer na mukhang abala sa kaniyang ginagawa at hindi na mahaharap pang kunin ang binili at i-abot ang kaniyang bayad. Makikitang mga tig-100 piso ang nakasabit na pera sa hanger. Ang hanger naman, nakasabit sa tarangkahan ng bahay.

"For Kuya Shopee! Kung hindi ka si Shopee wag mo po kukunin," mababasa sa babala.

"Nakikita ka ni Lord (smiling emoji)," dagdag pa.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Diyan mo malalaman kung mababait ang kapitbahay hahaha."

"Pede naman mag-online payment para wala nang ganyan ei."

"Ligtas yung marunong magbasa hahaha."

"Paano po yung product mo? Saan ilalagay? Hahaha."

"Dami na namang iniisip, dumagdag pa 'to!"