Ibinahagi ng kontrobersiyal na basketball player ng Jose Rizal University Heavy Bombers na si John Amores na nakatanggap siya ng liham mula kay Vice President Sara Duterte ayon sa kaniyang Facebook post nitong Disyembre 5 ng hapon.

"It's my pleasure receiving this kind of gesture from our dearly VP Sarah Duterte," ani Amores sa kaniyang Facebook post.

“'Remember the lesson not the mistake, you have a friend from the Office of the Vice President' It was a great honor Mam thank you for those words of encouragement."

"Ps. Ipapa frame ko to as a remembrance na sa dami ng bashers at negative critics, may isang tao na ipapaalala sa'yo na mahalaga ka kahit di mo kaano-ano. I won't lose hope, somewhere in between in the darkest season of my life there’s still a light," ani Amores.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dahil sa kaniyang nagawa, tuluyan na ngang napatawan ng indefinite suspension sa paglalaro sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 si Amores, matapos ang insidente ng panunugod at pananapak niya sa dalawang teammates ng kalabang College of St. Benilde-Blazers noong Martes, Nobyembre 8.