Kung ipinagbunyi ng maraming followers ni Omegle starJohn Fedellaga ang kaniyang kamakailangang natanggap na wedding proposal, tila walang-habas na kinondena naman ito ng isang konserbatibong netizen.

Sa isang Facebook post, Martes, mababasa ang screenshot ng isang komento sa YouTube announcement ni John.

Basahin: Wow! Youtube star at tinaguriang ‘Omegle Queen’ na si John Fedellaga, engaged na! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kalakhan sa kaniyang fans ang nagpaabot ng pagbati at agad na well-wishes para sa ikasisiya ng YouTube personality, maliban gayunpaman sa ilang relihiyuso.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Nawa’y patawarin ka ng Disyo niyo. Sa Biblia nakasulat na naglikha ang Diyos ng babae para sa lalaki, lalaki para sa babae. At sa mga tao daw na nakikipagrelasyon sa kapwa nila babae at lalaki, ibig-sabihinh wala silang paniniwala sa Diyso at walang takot sa kanya at ilalagay niya ang mga ito sa kumukulong apoy sa impyerno,” mababasang konserbatibong komento nito sa masaya lang sanang YouTube vlog.

Pagtugon ni John, “bilang perfect ka naman umakyat ka na kaya sa langit?”

Sa kabila nito, nanindigan din ang internet personality na hindi aniya siya masamang tao.

Tila papalag na ngayon si John sa panibagong pambu-bully online.

Sa naunang panayam ng Balita Online sa kaniya noong 2021, aminado ang online star na bago ang tinatamasang kasikatan online, naging biktima siya ng parehong insidente ng pambu-bully sa Amerika, at ang malungkot pa rito ay kapwa pa Pilipino ang mga salarin.

“I was actually thinking of doing a vlog before. Dati kasi sa work, I was not coming out kasi nagpi-pretend akong straight,” kwento noon ni John.

“Kasi I had an experience of my past job na napag-tripan ako ng mga kapwa nating Filipino because of how judgmental they are. They know that I was gay, so parang napaka-easy target ko. Then I got let go because of them, kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa personality ko,” pagbubunyag niya.

Basahin: Omegle queen John Fedellaga, empleyado ng anong bigating US vehicle company? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Na-engage si John sa isang pribadong personalidad na labindalawang taon na rin niyang nakarelasyon.

Samantala, todo-suporta naman ang followers ng Omegle star laban sa mapanakit na komento.

Narito nag ilan sa kanilang pahayag:

“Naniniwala ako na binigyan tayo ng Diyos ng puso para magmahal at siguradong hindi ganyan kakitid ang pag.unawa Niya para hindi Niya tayo maintindihan kung sino man ang pinili nating mahalin. Congrats po! Luv ka namin💕

“Sa panahon ngaun kunte nalang nd nakakatanggap sa kanila pero sino b nmn Tau db Hanggang masaya kapwa natin at nd ka nmn pinapakialaman sa sarili mong buhay maging masaya ka para sa kanila oo at Mali nga pero nagmamahal eh Wala magagawa dun..always tobe happy and spread Love💕💕💕

“As long as wala po kayong nasasaktan sa pagmamahal na pinili nyo tingin ko po maiintindihan kayo ng lahat ng dyos na meron ang mga tao. Spread love po as always. I became your fan because you are one of those influencers na pagpapasaya ang purpose,that's what I believe and observe. Love love❤😘

“Mas marami pa rin kami na "happy for you" kesa sa kanila. So don't mind them na lang. Everyone deserves to be happy as long as wala kang inaapakang ibang tao. We love you beks”

“Congratulations👏you deserve to be happy and also respect for everyone is important .GOD IS GOOD ALL THE TIME.”

“Love has no gender ika nga, let's be happy for them nlang, at wag maging judgemental. As long as wala silang tintapakan or nasasaktan. Goooo beks!,❤️happy for you and thanks for making us happy on your vids❤️❤️❤️

“Its only you who will answer to God on your judgment day, so, commentaries to you by your own doesn't matter - it's YOU and God.”