Matapos ang pagbibigay-reaksiyon ni Kapuso trivia master/TV host Kuya Kim Atienza sa naging viral video ng "Choco Mucho Flying Titans" na nang-isnab daw ng mga nakaabang na tagahanga, tila "na-back to you" naman siya ng mga tagahanga ng koponan, lalo na ang mga tagasuporta ng volleyball star player na si Deanna Wong o "Boss D".

"As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder. This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys," saad ni Kuya Kim.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/">https://balita.net.ph/2022/12/04/irritating-yet-sad-sight-kuya-kim-nag-react-sa-viral-video-ng-pang-iisnab-ng-isang-volleyball-team-sa-fans/

Batay naman sa comment section ay marami sa mga netizen ang sumang-ayon sa mga tinuran ni Kuya Kim.

National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'

Kaiba naman sa Twitter dahil trending na si Kuya Kim. Hati ang naging opinyon ng mga netizen tungkol sa kaniyang mga sinabi.

May mga nagsabi pa sa kaniyang wala naman siyang fans kundi lilima lang.

"Lol Hahahahahahahahahahha lilima lang fans mo syempre hindi mahirap pansinin yan," ayon sa basher.

Niretweet ito ni Kuya Kim at kinomentuhan, "Anim naman. "

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1599297043914457088

"Ay Kuya Kim i-add mo po ako sa lima na 'yan," saad ng isa pa.

"Thank you. 6 na kayo," pahayag ni Kuya Kim.

https://twitter.com/kuyakim_atienza/status/1599298355360067584

Samantala, ibinahagi naman ni Kuya Kim sa kaniyang Facebook account ang naging opisyal na pahayag ng CMFT kaugnay ng isyu.