Nag-courtesy visit sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo kay Pangulong Bongbong Marcos nitong Miyerkules. Itinuturing na rin umano ni PBBM na isa na siyang constituent ng lungsod ng Maynila.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo nang magkita sila ni Manila Mayor Honey Lacuna at iba pang halal na opisyal ng kabisera ng bansa, isang courtesy visit sa Malacañang dakong alas-11:00 ng umaga.

Sa naturang courtesy visit, kapwa pahayag din ng suporta sa isat-isa ang magkabilang kampo. Bukod kay Lacuna, kasama rin sa pagbisita sa pangulo sina Vice Mayor Yul Servo-Nieto at anim na mambabatas, na kumakatawan sa anim na distrito ng Maynila, pati na ang 37 miyembro ng Manila City Council, Liga ng mga Barangay President of Manila at Ex-officio Councilor Leilani Marie Lacuna at SK Federation President Daniel Dave Tan.

Sa nasabing pulong, nagpahayag ng buong suporta si Lacuna sampu ng kanyang grupo sa administrasyon ni Marcos, Jr. sa panawagan nito na magkaroon na ng unity.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Mr. President, we are here in full force to express our full support to your administration especially to all your laudable plans and programs that will benefit every Filipino. And since Manila has been and is still your second home, we humbly wish that you will consider our beloved city in your priority list,” pahayag ng lady mayor.

“For our more than 2 million population, the city government is doing its best to offer our constituent much-needed assistance through our Social Amelioration Program that has been providing financial aid in form of monthly allowances to all our senior citizens, solo parents as well as all PWDs (persons with disability) in Manila. We continue to give monthly allowances to the Grade 12 Senior High School students in all public schools and to all our college students enrolled at the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila and at the Universidad de Manila. We are also operating six LGU hospitals, one in every district, and we have 44 health centers serving as frontliners in the implementation of our universal health care. And there are still a lot of concerns that our government must pay attention to," dagdag pa niya.

“With your guidance and assistance, Mr. President, we believe that we can deliver better services to our fellow Manilenos. We hope to have you in our future events and activities here in the capital city of our country. Again, thank you very much for giving us your time to meet us here in Malacanang,” ayon pa sa alkalde.

Kaugnay nito, hinangaan naman ng alkalde ang kabaitan ng pangulo ng sabihin nito na dapat na magtulungan ang national government at ang lokal na pamahalaan, dahil itinuturing niya na isa na siya sa constituent o bumubuo sa Maynila.

Binanggit din aniya ni Pang. Marcos, ang kahalagahan ng mga local government units (LGUs), dahil kung wala aniya ang mga ito ay mahihirapan ang bansa na umusad.

Ang LGUs kasi aniya ang nakakaalam sa mga pangangailangan ng mga mamamayan dahil sila ang madalas at direktang nakakasalamuha ng mga ito.